Heavy rainfall warning itinaas sa Occ. Mindoro at Palawan
Naglabas ang PAGASA ng heavy rainfall warning sa ilang lugar sa bansa.
Alas 8:00 Lunes ng gabi, itinaas ang orange rainfall warning sa Occidental Mindoro at Palawan.
Partikular na apektado sa Palawan ang bahagi ng Busuanga, Coron, Culion, Linapacan, El Nido, Taytay, Dumaran, Aracelli, Cuyo, Magsaysay, Agutaya, San Vicente, Roxas, Puerto Princesa, Kalayaan Islands sa Palawan.
Ayon sa weather bureau, ito ay dahil sa habagat.
Samantala, nakataas naman ang yellow rainfall warning sa Romblon at Oriental Mindoro partikular sa bayan ng Roxas, Mansalay at Bulalacao.
Nagbabala ang PAGASA sa posibleng maranasang pagbabaha sa mga mababang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.