Nominasyon ni Duterte Youth Rep. Cardema ibinasura ng Comelec

By Den Macaranas August 05, 2019 - 07:30 PM

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) First Division ang nominasyon ni Duterte Youth partylist Rep. Ronald Cardema.

Ito ay dahil sa isyu ng misrepresentation.

Sa kanilang 25-page decision, sinabi ng 1st division ng Comelec na malinaw na limitado lamang mula 25 hanggang 30-anyos ang pwedeng maging kinatawan ng youth sector sa kongreso.

Sa records ng Comelec ay lumilitaw na 34-anyos na si Cardema.

“In view thereof, the Commission finds Respondent to have committed material misrepresentation on his qualifications,” ayon sa desisyon ng Comelec First Division.

Sa kanyang tugon ay ikinatwiran naman ni Cardema na ang Duterte Youth ay kumakatawan rin sa mga young professionals at hindi ito limitado sa sektor ng mga kabataan.

Ang 2-0 vote ng Comelec 1st division ay pirmado nina Commissioners Rowena Guanzon  Marlon Casquejo habang on-leave naman si Comm. Al Parreno.

TAGS: cardema, comelec, duterte partylist, cardema, comelec, duterte partylist

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.