Business interest ng China sa ilang isla sa bansa bubusisiin ng Malacanang

By Chona Yu August 05, 2019 - 07:10 PM

Hihintayin muna ng Malacanang ang rekomendasyon nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at National Security Adviser Hermogenes Esperon kung ano ang magiging implikasyon sa national security ng planong pagtatayo ng negosyo ng China.

Nauna na kasing lumabas ang mga ulat na gusto ng China na maglagak ng negosyo sa tatlong strategic islands sa Hilagang bahagi ng bansa para gawing economic at tourism zones.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa ngayon, wala pang isinusumite na report ang dalawang kalihim.

Base sa exclusive report ng Philippine Daily Inquirer, tinatarget ng Chinese investors na maglagay ng negosyo sa mga isla sa Fuga sa Cagayan, Grande at Chiquita sa Subic Bay, Zambales.

Kasabay nito, pumalag ang palasyo sa batikos ni international maritime law expert Jay Batongbacal na naka-focus lamang aniya ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdadala ng pera sa bansa at hindi ang long term effects ng mga proyekto.

Ayon kay Panelo, ang problema kay Batongbaca ay wala nang nagawang mabuti ang administrasyon kaugnay sa isyu sa China.

Tiniyak rin ng Malacanang na titiyakin nila ang interes ng publiko sa anumang negosyo na papasok sa bansa mula sa mga foreign investors.

TAGS: batongbakal, Fuga sa Cagayan, Grande at Chiquita sa Subic Bay, panelo, zambales, batongbakal, Fuga sa Cagayan, Grande at Chiquita sa Subic Bay, panelo, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.