Mga Pinoy nsa Hong Kong pinagbawalang magsuot ng puti at itim na damit

By Angellic Jordan August 05, 2019 - 04:38 PM

AP

Inabisuhan ng Philippine Consulate sa Hong Kong ang mga Pinoy na huwag magsuot ng itim at puting damit.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy na kaliwa’t kanang kilos-protesta sa nasabing lugar.

Sa kanilang Facebook account ay nagbabala ang Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong sa mga Pinoy na iwasang magsuot ng itim o puting damit para makaiwas sa kaguluhan.

Nakatanggap anila sila ng ulat ukol sa mga protesta ngayong araw sa mga sumusunod na lugar:

– Tamar Park sa Admiralty

– Sha Tin Town Hall Plaza

– Tuen Mun Park

– Discovery Park sa Tsuen Wan

– Wong Tai Sin Square

– MacPherson Playground sa Mong Kok

– Kwong Fuk Football Park sa Tai Po

Sakaling mangailangan ng tulong, maari anilang tumawag sa mga numerong 9155-4023 sa para Consular Assistance, 6165-2406 sa POLO at 6345-9324 sa OWWA

TAGS: Hongkong, OWWA, Philippine Consulate, protests, Hongkong, OWWA, Philippine Consulate, protests

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.