Pinagtibay na ng China ang kauna-unahan nitong counter-terrorism law sa gitna ng kritisismo na tinanggap ng naturang panukala sa mga unang bersyon nito.
Ang pagpasa ng naturang panukalang batas ay sa gitna ng pagsususlong ng kampanya ng China upang matigil na ang ethnic violence sa Xinjiang region at tangka nitong pagkontrol sa online political dissent online.
Sa Xinjiang matatagpuan ang Uighir ethnic minority group na isang muslim community na sinasabing pinagtataguan ng mga separatist terrorist.
Sa unang bersyon, kinontra ng ilang mga grupo ang mga probisyon na posibleng magdulot ng paghihigpit sa sektor ng pamamahayag at ilagay sa alanganin ang intellectual property ng ng mga dayuhang kumpanya.
Ayon sa ilang grupo, pawang pagsupil sa freedom of expression at intellectual property ang dalawang probisyon.
Gayunman, ayon sa foreign ministry ng China, hindi maapektuhan ng batas ang mga lehitimong negosyo ng mga dayuhan at hindi nito susupilin ang karapatan ng publiko na ihayag ang kanilang saloobin.