Julia Barretto nagsalita na kaugnay sa panibagong isyu na kinakaharap kasama ang dating boyfriend na si Joshua Garcia

By Angellic Jordan August 05, 2019 - 04:15 PM

Nagsalita na si Julia Barretto ukol sa panibagong isyu na kinakaharap kasama ang dating boyfriend na si Joshua Garcia.

Sa social media, itinuturo ng ilang netizen si Julia na may kasalanan kung bakit mag-isa si Joshua sa idinaos na after-party ng “ASAP NATIN ‘TO” sa California, USA.

Sa Twitter, nilinaw ng aktres na hindi niya iniwan si Joshua.

Mismong si Joshua aniya ang humiling na kumain at makipaghalubilo nang mag-isa.

Pagdidiin pa ni Julia, nakapagtataka kung bakit kinakaawaan ang onscreen partner at siya ang sinisisi gayung desisyon naman ng aktor ang nangyari sa party.

Masyado aniyang natutuwa ang mga tao sa pagbibigay ng koneksyon sa mga bagay para lamang makabuo ng istorya.

Dagdag pa nito, okay si Joshua at nag-enjoy sa party.

TAGS: after-party ng "ASAP NATIN 'TO", California, Joshua Garcia, Julia Barretto, usa, after-party ng "ASAP NATIN 'TO", California, Joshua Garcia, Julia Barretto, usa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.