35 naaresto sa operasyon kontra droga sa Maynila iprinisinta ni Mayor Isko Moreno

By Angellic Jordan August 05, 2019 - 03:47 PM

Iprinisinta sa media ni Mayor Isko Moreno ang nasa tatlumpu’t limang suspek na naaresto sa Lungsod ng Maynila.

Naaresto ang mga suspek sa mga ikinasang operasyon bahagi ng Baseco dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Moreno, hindi kinukunsinti ng pamahalaang lokal ang mga suspek na sangkot sa ilegal na droga sa naturang lungsod.

Kasabay nito, nirerespeto pa rin aniya ang karapatang pantao ng mga suspek.

Tiniyak nito na bibigyan pa rin ng pagkakataon ang mga suspek na patunayan ang pagiging inosente sa ilegal na aktibidad sa korte.

Matatandaang binigyan ng alkalde ng isang linggo ang Manila Police District (MPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para linisin sa ilegal na droga at armas ang Baseco compound.

sa naturang lungsod.

TAGS: 35 naaresto sa operasyon kontra droga, baseco compound, Maynila, Mayor Isko Moreno, MPD, PDEA, 35 naaresto sa operasyon kontra droga, baseco compound, Maynila, Mayor Isko Moreno, MPD, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.