Pulis na tumulong sa pag-aresto sa isang snatcher sa Ermita, Maynila, pinarangalan

By Angellic Jordan August 05, 2019 - 03:39 PM

Pinarangalan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde ang pulis na tumulong sa pag-aresto sa isang snatcher sa Ermita, Maynila.

Sa isinagawang flag raising ceremony sa Camp Crame, iginawad ang Medalya ng Papuri kay Patrolman Jonathan Stanley Dionisio at team leader nito na si Timothy John Cruz.

Kapwa-miyembro ang dalawa ng Special Mayor’s Reaction Team ng Manila Police District (MPD).

Nakuhanan ng video ang pag-responde nina Dionisio at Cruz sa insidente ng pagnanakaw sa bahagi ng Lagusnilad Underpass noong August 2.

Dahil sa matagumpay na magkakahuli sa suspek na si Angelo Gallardo, binigyan ng papuri ng PNP ang dalawa para sa ipinamalas na debosyon sa kanilang tungkulin.

TAGS: chief Gen. Oscar Albayalde, Ermita, Maynila, Medalya ng Papuri, MPD, Patrolman Jonathan Stanley Dionisio, PNP, team leader nito na si Timothy John Cruz, chief Gen. Oscar Albayalde, Ermita, Maynila, Medalya ng Papuri, MPD, Patrolman Jonathan Stanley Dionisio, PNP, team leader nito na si Timothy John Cruz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.