Trisikad driver patay nang mabunggo ng isang kotse sa Cordova, Cebu
Nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang photographer na sangkot sa kaso ng hit and run sa bayan ng Cordova, Mactan Island Cebu linggo ng umaga.
Agad na naaresto sa kanyang bahay ang suspek na kinilalang si Jay Dalumpiness, 43 anyos at isang freelance photographer na residente ng Barangay Ibabao.
Natukoy ang tirahan ni Dalumpines makaraang tuntunin ang plate number ng sasakyan na nakabangga sa trisikad o pedicab na minamaneho ni Brigido Torniado, 47 anyos sa Barangay Pilipog linggo ng madaling araw.
Ayon sa ulat, ihahatid sana ni Torniado ang kanyang misis na si Marilou sa palengke nang mabunggo ng Honda Civic na minamaneho ni Dalumpines pero mabilis itong umalis sa halip na tumigil para tulungan ang mga biktima.
Sa lakas ng impact ay tumilapon si Torniado at nahagip ng isa pang sasakyan.
Isinugod pa sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang biktima pero idineklara itong dead-on-arrival.
Apat katao pa ang sugatan sa insidente.
Samantala, nabatid na lango sa alak si Dalumpines at walang dalang lisensya ng mangyari ang trahedya.
Nahaharap ang photographer sa kasong reckless imprudence resulting into homicide, multiple physical injuries and damage to property.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.