Halos 8,000 pamilya naapektuhan ng pagbaha sa Bataan

By Jimmy Tamayo August 05, 2019 - 10:50 AM

Nasa 8,000 pamilya ang naapektuhan ng pagbaha na naranasan sa 7 bayan sa lalawigan ng Bataan kasunod ng malalakas na pag-ulan.

Sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), humupa na ang pagbaha sa maraming lugar maliban sa ilang barangay gaya ng Almacen, Daungan at Pulo sa bayan ng Hermosa.

Umabot hanggang limang talampakan ang naranasang tubig baha sa 11 barangays ng Hermosa, 5 barangays sa Dinalupihan, 3 sa Pilar, 2 sa Abucay at tig-isang barangay sa Balanga, Orion at Morong.

Samantala, nagkabit na ng temporary bridge matapos masira ang tulay sa Sibacan River sa Balanga City.

TAGS: 11 barangays ng Hermosa, baha, Balanga City, hermosa, malalakas na ulan, Morong, Orion, Sibacan River, 11 barangays ng Hermosa, baha, Balanga City, hermosa, malalakas na ulan, Morong, Orion, Sibacan River

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.