Nilinaw ng Philippine Coast Guard (PCG) ang datos hinggil sa aksidente sa karagatan ng Iloilo-Guimaras na naganap noong Sabado.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Coast Guard spokesman Commander Armand Balilo, 27 at hindi 31 gaya ng mga napaulat ngayong umaga ang kumpirmadong bilang ng mga nasawi.
Mayroon namang anim na katao pa ang nawawala at patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.
Ani Balilo nakasentro sila ngayon sa search and rescue operations.
Tiniyak naman ni Balilo na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa insidente.
MOST READ
LATEST STORIES