Anomalya sa mga overstocked na gamot nais paimbestigahan sa Kamara

By Erwin Aguilon August 05, 2019 - 09:03 AM

Pinaiimbestigahan ng isang kongresista ang anomalya sa P18.4 bilyon halaga ng overstocked drugs at mga gamot na hindi naipamahagi ng Department of Health (DOH) noong 2018.

Ayon kay Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor, inihain niya ang House Resolution 145, na humihikayat sa House Committee on Health na imbestigahan ang “unusually huge hoard” ng mga gamot na hindi naipamahagi ng DOH.

Umaasa naman ang kongresista na walang kinalaman ang overpricing ng gamot sa posibleng panghihikayat mula sa malalaking pharmaceutical suppliers.

Sa annual audit report ng Commission on Audit (COA) sa the DOH, nadiskubre na ang halaga ng overstocked drugs at medicines ay tumaas ng magkakasunod na taon noong 2018.

Mula sa P10 billion noong 2015 ay umakyat ito sa P11.3 billion noong 2016; P16 billion noong 2017; at P18.4 billion noong 2018.

Giit ng COA ang poor procurement planning ng Procurement and Supply Chain Management Team ng programa ng DOH sa preparasyon ng kanilang purchase request ay dahilan ng overstocking ng mga gamot gayundin ang negligence sa management .

Idinadahilan naman umano ng DOH na wala silang sapat na warehouse at transport facilities para masiguro ang storage at distribution ng mga gamot.

Giit ni Defensor kung ganito umano ang sitwasyon ay mas mabuti ng ibigay ang bahagi ng annual multi-billion peso health facilities enhancement fund direkta sa mga ospital para makapag tayo sila ng sarili nilang warehouse sa kanilang compound.

Sa ganitong paraan umano ay abot kamay na agad ng mga customers ang mga gamot.

TAGS: "unusually huge hoard", Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor, doh, gamot, Health, House Resolution 145, Kamara, "unusually huge hoard", Anakalusugan party-list Representative Mike Defensor, doh, gamot, Health, House Resolution 145, Kamara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.