‘Walang Forever’, humakot ng parangal sa MMFF

By Kathleen Betina Aenlle December 28, 2015 - 12:11 AM

 

Mula sa inquirer.net

Pinarangalan na ang mga nagwagi sa 41st Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal na ginanap sa Kia Theatre sa Araneta Center, Quezon City.

Humakot ng parangal ang pelikulang ‘Walang Forever’ na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales.

Nanalong Best Festival Picture ang pelikulang ‘Walang Forever’, na sinundan ng ‘Buy Now Die Later’ bilang 2nd Best Picture at ‘My Bebe Love’ sa 3rd Best Picture.

Nagwagi rin bilang Best Festival Actor at Best Festival Actress ang mga bumida sa nasabing pelikula na sina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado.

Nakuha rin ng ‘Walang Forever’ ang Best Screenplay, at ang Best Story sa panulat naman nina Dan Villegas at Antoinette Jadaone.

Sa naturang pelikula rin napunta ang FPJ Memorial Award for Excellence, at ang Gatpuno Villegas Award naman ay napunta sa ‘My Bebe Love’.

Best Supporting Actor naman si Tirso Cruz III para sa ‘Honor Thy Father’, at Best Supporting Actress si Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza para sa ‘My Bebe Love’.

Sa kabila naman ng pagkakadiskwalipika sa category na Best Picture, humakot pa rin ng marami-raming parangal ang pelikulang ‘Honor Thy Father’ at ang mga tao sa likod nito.

Ito ay dahil bukod sa panalo ni Tirso Cruz III, itinanghal na Best Director ang kanilang direktor na si Erik Matti, at pinarangalan rin bilang Best Child Performer ang isa sa mga casts nito na si Krystel Brimner.

Nasungkit rin ng ‘Honor Thy Father’ ang Best in Makeup at ang Best Original Theme Song para sa “Tao” by Armi Millare na theme song sa nasabing pelikula.

Nakuha naman ng pelikulang ‘Nilalang’ nina Cesar Montano at Maria Ozawa ang Best Editing, Best Cinematography, Best Festival Visual Effects, Best Musical Score kay Jessie Lasaten para sa Nilalang at ang Best Festival Sound Award para naman kay Ditoy Aguila.

Itinanghal naman ang Best Festival Production Design sa ‘Buy Now Die Later’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.