DOH hindi na magsasagawa ng sariling pag-aaral sa dengvaxia vaccine

By Chona Yu August 05, 2019 - 08:44 AM

Wala nang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na atasan ang mga eksperto sa Department of Health (DOH) na magsagawa ng sariling pag-aaral sa dengvaxia vaccine.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hihintayin na lamang ng pangulo ang magiging rekomendasyon ni Health Secretary Francisco Duque III kung maari nang gamitin o hindi ang dengvaxia vaccine sa gitna ng tumataas na kaso ng dengue sa bansa.

Bukod dito, sinabi ni Panelo na may kinuha ng pathologist experts si Pangulong Duterte mula sa Asian countries noong nakaraang taon para pag aralan ang dengvaxia vaccine, pero sa ngayon aniya ay hinihintay pa ito ng pangulo.

Habang hindi ginagamit ang dengvaxia, sinabi ni Panelo na tutukan ngayon ng pamahalaan ang prevention para hindi na madagdagan pa ang kaso ng dengue.

Sa talaan ng DOH, pumalo na sa mahigit 100,000 kaso ng dengue ang naitala ngayong taon.

Una rito, sinabi ni Panelo na maaaring kasama sa agenda ng cabinet meeting ngayon ang usapin sa dengvaxia vaccine.

TAGS: asian countries, Dengvaxia Vaccine, doh, Health, Health Secretary Francisco Duque III, pathologist experts, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, asian countries, Dengvaxia Vaccine, doh, Health, Health Secretary Francisco Duque III, pathologist experts, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.