TNVS driver arestado matapos isanla ang minamanehong sasakyan

By Dona Dominguez-Cargullo August 05, 2019 - 08:01 AM

Arestado sa Maynila ang isang driver ng TNVS makaraan nitong tangayin ang kaniyang minamanehong sasakyan.

Na-recover ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) – Anti-Carnaping Unit ang isang Mitsubishi Montero makaraang ipagbigay-alam ng may-ari nito na nawawala ang sasakyan.

Nadakip naman ang suspek na si Tomas Canilang Jr., 40-anyos at residente ng Tondo, Maynila.

June 24 pa nang iulat ng may-ari na nawawala ang sasakyan, kaya nagsagawa ng operasyon ang mga pulis.

Ayon kay Police Maj. Alden Panganiban ng MPD-AnCar, natunton ang sasakyan sa pamamagitan ng GPS system na naka-install dito.

Katwiran ng suspek, isinanla lamang niya ang sasakyan sa Cavite sa halagang P20,000 dahil gipit sya sa pera.

Mahaharap sa kasong carnapping ang suspek.

TAGS: arrested, carnapping, manila, MPD, arrested, carnapping, manila, MPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.