Palawan inuulan pa rin, yellow warning itinaas ng PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo August 05, 2019 - 07:53 AM

Itinaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa Palawan.

Sa abiso ng PAGASA, malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan ang nararanasan sa Palawan dahil sa Habagat.

Babala ng PAGASA sa mga residente, maaring magdulot ng pagbaha o landslide ang nararanasang malakas na buhos ng ulan.

Samantala, kalat-kalat na pag-ulan na lamang ang nararanasan sa Occidental Mindoro sa nakalipas na ilang oras.

Dahil dito, inalis na ng pag-asawa ang heavy rainfall warning na unang itinaas sa nasabing lalawigan.

Samantala, alas 7:30 ng umaga naman ngayong Lunes, Aug. 5, light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nararanasan sa Guimaras, Iloilo, Antique, Capiz at Aklan.

TAGS: Pagasa, Palawan, Radyo Inquirer, weather, yellow warning, Pagasa, Palawan, Radyo Inquirer, weather, yellow warning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.