NDRRMC: 371 lugar binaha dahil sa pag-ulan

By Rhommel Balasbas August 05, 2019 - 02:54 AM

Lumubog sa baha ang 371 lugar sa apat na rehiyon sa bansa dahil sa mga pag-ulan bunsod ng Habagat na pinalakas ng Bagyong Hanna.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council araw ng Linggo, 213 sa mga binahang lugar ay mula sa Central Luzon, 153 sa National Capital Region (NCR), apat sa Bicol Region at isa sa CALABARZON.

Pero ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, hanggang Linggo ng hapon, humupa na ang baha sa 126 na lugar.

Ilang araw nang nakararanas ng mga pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon.

Bukod sa mga pagbaha, naiulat din ang pagguho ng perimeter wall sa Taal National High School sa Batangas matapos ang landslide bandang alas-3:00 ng hapon ng Sabado.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente ayon sa mga awtoridad.

Ipinag-utos na ni Jalad sa lahat ng unit heads ng Regional DRRMOs sa Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at NCR na patuloy na bantayan ang kanilang mga nasasakupan at tiyaking naipakakalat ang impormasyon ukol sa lagay ng panahon.

Sa huling severe weather bulletin ng PAGASA Linggo ng gabi, huling namataan ang Bagyong Hanna sa layong 945 kilometro Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Inaasahang hahatakin at palalakasin pa rin ng bagyo ang Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas bago lumabas ng bansa sa araw ng Biyernes.

TAGS: #BagyongHannaPH, habagat, National Disaster Risk Reduction and Management Council, #BagyongHannaPH, habagat, National Disaster Risk Reduction and Management Council

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.