Lalaki timbog sa pagdadala ng marijuana sa LRT-2

By Rhommel Balasbas August 05, 2019 - 04:42 AM

Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Araneta Center-Cubao station ng LRT-2 araw ng Linggo.

Ayon kay Cubao Police Station commander P/Supt. Giovanni Caliao, nakilala ang lalaki na si Harold San Juan Gonzales, 28-anyos at nagtatrabaho bilang promodizer.

Bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang sumailalim sa inspeksyon ang mga gamit ni Gonzales at dito na tumambad ang pinatuyong marijuana na kanyang dala.

May bigat na limang gramo ang dala ng suspek na tinatayang nagkakahalaga ng P600.

Agad dinala ng gwardya sa Cubao Police Station 7 ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Araneta Center-Cubao station, Light Rail Transit - 2, Araneta Center-Cubao station, Light Rail Transit - 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.