Tindera patay matapos masagasaan ng tren ng PNR sa Maynila

By Rhommel Balasbas August 05, 2019 - 04:40 AM

FILE PHOTO

Nasawi ang isang 44-anyos na ginang matapos masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc, Maynila, Sabado ng gabi.

Ayon sa ulat ng Manila Police District Station 4, ang biktima ay kinilalang si Rochelle Aurelio, tindera ng gulay at residente rin ng Sampaloc.

Isang concerned citizen ang dumulog sa pulisya bandang alas-10:00 ng umaga ng Linggo makaraang matagpuan ang katawan ni Aurelio sa gitna ng riles sa bahagi ng Ramon Magsasay Boulevard, Barangay 570.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nahagip ng tren na pa-northbound ang biktima at nakaladkad sa layong 100 metro.

Inaalam na ng Manila Traffic Enforcement Unit ang body number ng bagon o tren na nakasagasa sa biktima.

Nagsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang PNR.

TAGS: accident, Philippine National Railways (PNR), accident, Philippine National Railways (PNR)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.