Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bahagi ng Batangas alas-2:36 Lunes ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 21 kilometro Timog-Silangan ng Calatagan.
May lalim ang pagyanig na 135 kilometro at tectonic ang dahilan.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.