Sa unang kwarter pa lamang ng laro, dominante na ang Katropa makaraang gumawa ng 18-0 run.
Masaya si TNT coach Bong Ravena sa laro ng kanyang koponan ngunit hindi anya sila pakakampante at maghahanda sa susunod na laban ng best of 7 series.
Posible anyang nakaapekto lang ang sobrang pagod sa Beermen.
Ito ang unang finals appearance ng TNT matapos ang dalawang taon.
Umabot pa sa 23 puntos ang lamang ng TNT sa San Miguel sa third quarter bago tuluyang manalo.
Nanguna ang TNT import na si Terrence Jones matapos makapagtala ng 41 points, 12 rebounds at 8 assists.
Pinangunahan naman ng import din na si Chris McCullough ang San Miguel sa kanyang 33 points at 15 rebounds.
Ang Game 2 ay magaganap pa rin sa Araneta Coliseum sa Miyerkules.