TNT wagi kontra SMB sa game 1 ng PBA finals

By Rhommel Balasbas August 05, 2019 - 12:28 AM

Hindi pinaporma ng Talk N Txt ang San Miguel sa game 1 ng 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals matapos magwagi sa iskor na 109-96 sa laban kagabi sa Araneta Coliseum.

Sa unang kwarter pa lamang ng laro, dominante na ang Katropa makaraang gumawa ng 18-0 run.

Masaya si TNT coach Bong Ravena sa laro ng kanyang koponan ngunit hindi anya sila pakakampante at maghahanda sa susunod na laban ng best of 7 series.

Posible anyang nakaapekto lang ang sobrang pagod sa Beermen.

Ito ang unang finals appearance ng TNT matapos ang dalawang taon.

Umabot pa sa 23 puntos ang lamang ng TNT sa San Miguel sa third quarter bago tuluyang manalo.

Nanguna ang TNT import na si Terrence Jones matapos makapagtala ng 41 points, 12 rebounds at 8 assists.

Pinangunahan naman ng import din na si Chris McCullough ang San Miguel sa kanyang 33 points at 15 rebounds.

Ang Game 2 ay magaganap pa rin sa Araneta Coliseum sa Miyerkules.

TAGS: 2019 Commissioner's Cup Finals, San Miguel Beermen, TNT KaTropa, 2019 Commissioner's Cup Finals, San Miguel Beermen, TNT KaTropa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.