Hello, Love, Goodbye kumita na ng higit P250M sa takilya

By Rhommel Balasbas August 05, 2019 - 03:25 AM

Patuloy ang pagtabo sa takilya ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” tampok ang unang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sa anunsyo ng Star Cinema madaling-araw ng Lunes, umabot na sa P250,040,718 ang kinita ng pelikula sa loob lamang ng limang araw.

Sa kanilang caption, ipinahayag ng film oufit ang taus-pusong pasasalamat sa viewers ng pelikula.

Patuloy na nakatatanggap ng magandang reviews ang pelikulang ito na binuo sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Ang Hello, Love Goodbye ay tungkol sa pakikipagsapalaran ng mga overseas Filipino Workers (OFWs) para sa kanilang mga pamilya at pagtupad sa sariling mga pangarap.

Samantala, sinabi ni Molina sa isang panayam na bukas siyang gumawa ng sequel ng nasabing pelikula.

TAGS: ALden Richards, Cathy Garcia-Molina, Goodbye, Hello, Kathryn Bernardo, Love, Star Cinema, ALden Richards, Cathy Garcia-Molina, Goodbye, Hello, Kathryn Bernardo, Love, Star Cinema

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.