Bagyong Hanna patuloy na humihila at nagpapalakas sa Habagat
Napanatili ng Tropical Storm Hanna ang lakas nito habang nasa katubigan ng bansa.
Ayon sa 11pm severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 945 kilometro Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometro bawat oras sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran.
Patuloy na hinahatak at pinalalakas ng Bagyong Hanna ang Habagat na nagpapaulan sa malaking bahagi ng bansa.
Ngayong araw ng Lunes, August 5, mararanasan ang mahina hanggang sa katamtaman na minsan ay may kalakasang mga pag-ulan sa northern Palawan kasama ang Cuyo at Calamian Islands at sa Mindoro Provinces.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat naman ang mararanasan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR), Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, nalalabing bahagi ng MIMAROPA at buong Visayas.
Sa Martes, August 6, mararanasan ang mahina hanggang sa katamtaman na minsan ay may kalakasang mga pag-ulan sa Metro Manila, Pangasinan, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna, Mindoro Provinces, northern Palawan kasama ang Cuyo at Calamian Islands, Romblon, Aklan at Antique.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat naman ang mararanasan sa CAR, Bicol Region, Quezon at nalalabing bahagi ng Ilocos Region, Central Luzon at Visayas.
Pinag-iingat ang mga residente sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Posibleng lumakas pa ang bagyo at maging isang ganap na ‘typhoon’ ngunit hindi ito tatama sa kalupaan
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo sa Biyernes, August 9.
Nakataas ang gale warning at bawal pumalaot ngayon sa mga baybaying dagat ng mga sumusunod na lugar:
• Pangasinan
• Zambales
• Bataan
• Batangas
• Occidental Mindoro
• Oriental Mindoro
• Palawan
• Marinduque
• Romblon
• Quezon kasama ang Polillo Islands
• Camarines Provinces
• Catanduanes
• Albay
• Sorsogon
• Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands
• Antique
• Aklan
• Capiz
• Iloilo
• Guimaras
• Negros Occidental
• Negros Oriental
• Siquijor
• Bohol
• Cebu
• Biliran
• Leyte Provinces
• Samar Provinces
• Dinagat Islands
• Siargao Islands
• Surigao Provinces
• Davao Oriental
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.