Bangkay ng babae na ibinalot sa kumot natagpuan sa fish pond sa Valenzuela City

Natagpuan ang bangkay ng isang babae na nakabalot sa kumot sa isang fish pond sa Valenzuela City.

Ayon sa Valenzuela City Police, mga tauhan ng Waste Management Office ng Valenzuela City government na nagsasagawa ng clearing operations sa mga water lily sa fishpond sa A. Concepcion Street, Barangay Pasolo ang nakakita sa bangkay.

Kinilala ang biktima na si Rosalie Mission Sagal, 43 anyos at residente ng Northbay Boulevard South, Navotas City.

Si Sagal ay iniulat na nawawala ng kaniyang mga kaanak mula pa noong July 20.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulis, isang alyas ‘Jan’ na umano ay boyfriend ng biktima ang umamin sa krimen.

Si Jan ay kasalukuyang nasa drug rehabilitation center sa Magalang, Pampanga at boluntaryo siyang nagtungo doon noong July 26.

Ayon kay P/Col Carlito M Gaces, Valenzuela City police chief, may ginagawa na silang legal na hakbang para makuha ang kostodiya ng suspek.

Read more...