Lalaking nanakal ng kapatid dahil sa away sa password ng Wi-Fi hinatulang makulong ng habang buhay

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer.net August 04, 2019 - 04:31 PM

Habang buhay na pagkakakulong ang hatol ng korte sa isang 18 anyos na lalaki matapos mapatunayang guilty sa pananakal sa kaniyang kapatid na babae dahil lang sa away sa password sa Wi-Fi.

Ang hatol kay Kevon Watkins ng Georgia, USA ay ibinaba ng Macon Judicial Circuit District Attorney’s Office.

Base sa rekord ng kaso, noong February 2, 2018 ay nagkaroon ng pagtatalo ang magkapatid.

Pinalitan kasi ni Kevon ang Wi-fFi password para makapaglaro siya ng games.

Pero nagalit ang kaniyang kapatid na babae na si Alexus Breanna Watkins na noon ay 16 anyos.

Sa pahayag sa korte ng rumespondeng pulis, sinabi niyang nadatnan niya pang sakal-sakal ni Kevon ang kapatid.

Ang naturang insidente ay ikinasawi ng kapatid ni Kevon.

Dahil sa pangyayari, hinatulan si Kevon na guilty sa kasong felony murder at makukulong ng habambuhay.

TAGS: court order, Foreign News, georgia usa, Radyo Inquirer, wi fi password, court order, Foreign News, georgia usa, Radyo Inquirer, wi fi password

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.