Bantang ‘tit for tat’ ni Pangulong Duterte sa NPA sa engkwentro o shootout lang iiral – Malakanyang

By Chona Yu August 04, 2019 - 01:56 PM

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na tanging sa engkwentro o shootout lamang maaring pairalin ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘tit for tat’ sa New People’s Army.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi maaring pairalin ang naturang polisiya ni Pangulong Duterte kapag may nahuhuling NPA.

Sa talumpati kasi ng pangulo sa pamamahagi ng certificate of land title sa Davao City noong Biyernes (Aug. 2), sinabi nito na kung ano nang gagawin ng NPA sa mga pulis o sundalo ay ganun din ang ibubwelta ng gobyerno.

Ikindismaya kasi ng pangulo ang ginawang pag-torture at paglaslas ng NPA sa apat na pulis bago pinatay sa Ayungon, Negros Oriental noong July 18.

Ayon kay Panelo, hindi ito-torture ng gobyerno ang isang suspek na naaresto ngayon ng mga pulis sa Ayungon.

TAGS: Leftist, NPA, president duterte, Radyo Inquirer, tit for tat, Leftist, NPA, president duterte, Radyo Inquirer, tit for tat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.