Paniwala kasi ni Baguio City Representative Mark Go na ang isinusulong na ban sa provincial buses ay maliit lamang ang magiging epekto para maresolba ang lumalalang trapik sa EDSA.
Muling inihain ni Go ang panukala sa kamara upang pairalin ang compressed work week, na una nang inaprubahan ng dalawang kapulungan ng kongreso pero hindi naisabatas dahil sa hindi pagkakasundo ng kamara at senado sa magkaiba nilang bersiyon.
Una nang ipinanukala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabawal sa mga provincial bus na dumaan sa Edsa at ipasara ang apatnaput’pitung mga bus terminal sa naturang highway para maibsan ang pagsisikip ng mga pangunahing lansangan sa Kalakhan Maynila.