Warriors, Green nagkasundo sa 4 na taong extension

By Clarize Austria August 04, 2019 - 01:51 PM

Mananatili si Draymond Green sa Golden State Warriors makaraang magkasundo ang dalawang kampo na i-extend ang kanilang samahan.

Ayon sa lumabas na ulat sa Associated Press, nasa $100 milyon ang napagkasunduang bayad ng magkabilang panig.

Hindi naman pinangalanan ang source ng balita dahil sa hindi pa napipirmahan ang kontrata.

Ang panibagong kontrata ni Green ay magsisimula sa 2020-2021 National Basketball Association (NBA) season at mananatili sa Warriors hanggang 2020-2024.

Ayon naman kay Green, hindi pa tapos ang Warriors nang matalo sila sa Toronto noong nakaraang June.

Ang mga kasamahan ni Green na sina Klay Thompson ay pumirma ng panibagong kontrata noong nakaraang buwan habang si Stephen Curry naman may kasunduan sa kopunan hanggang 2021-2022.

TAGS: $100 Million na hindi pa naglalagdaang kontrata, Draymond Green, golden state warriors, $100 Million na hindi pa naglalagdaang kontrata, Draymond Green, golden state warriors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.