Mga transaksyon sa Kamara balak gawing ‘paperless’

Isinusulong ng mga mambabatas sa Kongreso ang ‘paperless’ na transaksyon sa nasabing ahensya.

Ito ay upang mas mabawasan ang gastos ng Kongreso sa papel at gawing digital na lamang ang mga proseso.

Ayon kay Senior Deputy Majority Leader at Cavite Representative Crispin “Boying” Remulla, gumagastos ang Kamara ng halos P9 milyon kada taon para lamang sa papel.

Kapalit ng mga papel ang computer tablets para sa 300 mambabatas sa Kamara.

Tinatayang nasa P6 milyon ang kakailanganin para sa mga nasabing gadgets o P20,000 kada kongresista.

Kung maaaprubahan, isa ang paglipat sa paperless transactions sa mga bagong alituntunin sa Kamara sa December.

Read more...