Dating barangay chairman, patay sa pamamaril sa Davao

By Clarize Austria August 04, 2019 - 09:18 AM

Nasawi ang isang dating barangay captain sa makaraang tambangan ng mga hindi pa nakikilang lalaki sa Davao City.

Si Arnold Maalat ay dating kapitan sa Barangay Communal, Buhangin na pinagbabaril ng dalawang lalaki sa labas ng sabungan.

Ayon sa mga awtoridad, nakulong si Maalat sa kasong may kinalamang sa ilegal na droga noong 2017 at ngayon taong lang nalaya sa Davao City Jail.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis sa motibo ng pamamaslang at kung may koneksyon ito sa dating kaso ng dating barangay chairman.

TAGS: dating barangay chariman patay, nakulong dahil sa kaso sa ilegal na droga, dating barangay chariman patay, nakulong dahil sa kaso sa ilegal na droga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.