Suspek sa pagpatay sa 4 na pulis sa Negros Oriental, arestado na
Nahuli na ng pulisya ang suspek sa pagpaslang at diumano’y pangto-torture sa apat na pulis sa Negros Oriental araw ng Sabado, August 3.
Nakilala ang suspek na si Jojo Torres Ogatis, 19 anyos.
Ayon sa Central Visayas Police Regional Office, naaresto si Ogatis sa Sitio Sook, Barangay Mabato, Ayugon sa nasabing lalawigan.
Nasa kustodiya na ng 704th Manuever Company ng Regional Mobile Force Battalion 7 (RMFB7) ang suspek sa Mabina.
Magugunita na noong July 18 ay nasawi ang apat na pulis na sina Cpl. Relebert Beronio, Pat. Raffy Callao, Pat. Roel Cabellon, at Pat. Marquino de Leon.
Inako naman ng New People’s Army ang pamamaslang sa mga pulis na nagsilbing espiya sa mga operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.