Ayon sa inilabas na ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), mula sa 167.17 meters kahapon ay pumalo na lebel ng tubig sa 167.85 meters.
Nadagdagan din ang tubig sa La Mesa Dam na mula 74.65 meters kahapon ay naging 75.05 meters ngayong araw.
Ang tubig sa Ipo, Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan dams ay tumaas din habang nabawasan naman ang sa Magat at Caliraga dam.
Ito na ang ikatlong sunod na araw na tumaas ang lebel ng tubig sa naturang dam dulot ng sunud-sunod na pag-ulan.
MOST READ
LATEST STORIES