11 patay, 3 tumaob na bangka sa Visayas

By Clarize Austria August 04, 2019 - 08:23 AM

Nasawi ang 11 katao matapos tumagilid ang tatlong bangka sa karagatan sa Visayas araw ng Sabado, August 3.

Ayon kay Brigader General Rene Pamuspusan, direktor ng Western Visayas Police Regional Office, tatlong tao ang naitalang nawawala habang 63 ang nakasaligtas sa insidente.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) Western Visayas, anghali nang tumaob ang dalawang motorbanca na Chi-Chi at Keziah habang tinatahak ang karagatan sa pagitan ng probinsya ng Iloilo at Guimaras.

May lulan naang 43 pasahero at apat na crew members ang Chi-Chi habang apat na crew members lang ang sakay ng Keziah.

Tumagilid din ang Jenny Vince na motorbanca bandang alas 3:00 ng hapon sa kaparehong oras.

Hindi pa rin natutukoy ng mga awtoridad kung ilan ang sakay ng bangka ngunit wala namang naitalang nasawi o nawala sa insidente.

TAGS: Nasawi ang 11 katao SA tumaob na bangka, Philippine Coast Guard (PCG) Western Visayas, Western Visayas Police Regional Office, Nasawi ang 11 katao SA tumaob na bangka, Philippine Coast Guard (PCG) Western Visayas, Western Visayas Police Regional Office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.