LPA sa Virac Catanduanes, ganap ng bagyo—PAGASA

By Noel Talacay August 04, 2019 - 07:56 AM

Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa silangang bahagi ng Virac, Catanduanes.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), pinangalanan itong bagyong Hanna.

Bagamat hindi tatama sa ay inaasahang
magdadala ito ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Mararanasan ang mga pag-ulan sa buong Metro Manila, Zambales, Pangasinan, Bataan, Rizal, Cavite, Batangas, Mindoro, hilagang bahagi ng Palawan, Romblon, Aklan, at Antique.

Mahina hanggang sa katamtamang lakas ng pag-ulan ang mararanasan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Nagbigay ng babala ang Pagasa sa mga residente na nakatira sa flood prone at landslide areas na maging alerto.

Ipinagbawal muna ang paglalayag sa karagatan lalong lano na sa kanlurang bahagi ng karagatan ng Luzon.

Inatasan naman ang mga Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMO) na magbantay sa mga ulat panahon ng inilalabas ng ahensya.

TAGS: Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Tropical Depression Hanna, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Tropical Depression Hanna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.