29 bahay, tinupok ng apoy sa Davao City

By Clarize Austria August 04, 2019 - 07:27 AM

Nasunog ang 29 na bahay ng isang komunidad ng mga informal settlers sa Davao City kahapon, August 3.

Ayon sa Davao City Bureau of Fire Protection, nag-umpisa ang sunog sa 8A village bandang alas 2:00 ng hapon.

Sa ulat naman na inilabas ng mga imbestigador, sa bahay ng isang Ricky Lumbadan nag-simula ang apoy dahil sa nag-overheat na television set.

Tumagal ang sunog ng halos dalawang oras at idineklarang fire out ng alas 4:06 ng hapon.

Kasalukyang nasa evacuation center ng village ang 32 pamilyang naapektuhan.

Walang naitalang nasugatan o nasawi sa naturang insidente.

TAGS: 29 na bahay nasunog, Davao City Bureau of Fire Protection, nag-overheat na TV set, 29 na bahay nasunog, Davao City Bureau of Fire Protection, nag-overheat na TV set

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.