‘Soup kitchen’ sa halip na mga de-lata- Escudero

By Chona Yu December 27, 2015 - 05:33 PM

 

Inquirer file photo

Sa halip na mga de lata, bigas at noodles, ‘soup kitchen’ ang dapat na itayo ng Department of Social Welfare and Development sa mga nasasalanta ng bagyo.

Ayon kay Senator Chiz Escudero, batid ng lahat na walang gamit na panluto na magagamit ang mga nabiktma ng kalamidad.

Dapat aniya na tumagal ng isang linggo ang mga soup kitchen.

Maari aniyang pumila ang mga nagugutom na biktima ng kalamidad at humingi ng pagkain.

Dagdag ni Escudero, mistulang hindi pa natututo ang DSWD matapos manalasa ang bagyong Yolanda dalawang taon na ang nakararaan.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.