Taxi Driver na nag over price ng pamasahe sa isang turista, huli sa NAIA terminal 1

By Noel Talacay August 03, 2019 - 09:20 PM

Arestado ang isang taxi diver matapos itong ireklamo ng paniningil ng sobra o overpricing sa pamasahe ng isang dayuhang Chinese national.

Nakilala ang taxi driver na si Eugene Del Rosario na minamaniho ang taxi na may plakang TXV149.

Ayon sa biktima na si Wang Wei, bandang alas-2:00, Biyernes ng hapon, dumating siya mula sa Dumaguete sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 at sumakay siya ng taxi papuntang terminal 1.

Halagang P6,000.00 ang siningil ng taxi driver mula NAIA terminla 3 hanggang Terminal 1.

Agad humingi ng tulong si Wei sa mga pulis na nakatalaga sa NAIA Terminal 1.

Agad namang nahuli ang nasabing taxi driver at nakuha sa kanyang ang P6,000.00 na ibinayad bilang pamasahe ng biktima.

Napagalaman na dati nang inaresto ang driver dahil sa illegal parking sa terminal 1.

Ayon sa Manila International Airport Authority, gagamitin nila ang complain ni Wei para sampahan ng pormal na reklamo si Del Rosario.

TAGS: chinese national, Eugene Del Rosario, Manila International Airport Authority, Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, taxi na may plakang TXV149, Wang Wei, chinese national, Eugene Del Rosario, Manila International Airport Authority, Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, taxi na may plakang TXV149, Wang Wei

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.