Mahigit 24,000 na mga mag-aaral, nabenepisyuhan na ng Student Free Ride Program

By Noel Talacay August 03, 2019 - 09:08 PM

Kuha ni Jasper Dayao

Umabot na sa 24,547 na mga mag-aaral ang nakabenepisyo ng DOTr MRT-3 ng Student Free Ride Program mula nang naipatupad ito noong nakaraang buwan.

Patuloy paring hinihikayat ni DOTr Sec. Arthur Tugade ang iba pang mga estudyante kumuhana ng Student free Ride ID.

Aniya maaaring magaapply ng Student free Ride ID sa pamamagitan ng online registration, pumunta lamang sa tinyurl.com/y66f8nr4.

Pwede rin personal na magtungo sa mga help desk na nakatalaga sa mga istasyon ng MRT3.

Dalhin lamang ang mga kaukulang requirements tulad ng kopya ng valid school ID, registration form at 2X2 ID picture.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Tugade sa mga estudyante na tumangkilik sa nasabing programa.

TAGS: 24, 547 na mga mag-aaral, DOTr Sec. Arthur Tugade, MRT 3, Student free Ride ID., Student Free Ride Program, 24, 547 na mga mag-aaral, DOTr Sec. Arthur Tugade, MRT 3, Student free Ride ID., Student Free Ride Program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.