Abo ni LJM, dumating na sa Heritage Park sa Taguig

 

Inquirer file photo

Dumating na ang mga abo ni Philippine Daily Inquirer editor in chief Letty Jimenez-Magsanoc sa The Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Si Ariana Magsanoc-Alikpala, apo ng editor in chief ang nagdala ng ‘urn’ sa chapel kaninang ala-1:00 ng hapon.

Gaganapin ang lamay para kay Magsanoc mula December 27 hanggang 29 sa Aeternum, Heritage Park.

Pumanaw ang 74-anyos na si Magsanoc noong bisperas ng Pasko sa St luke’s Medical Center sa Global City matapos mag-cardiac arrest.

Kabilang sa mga nagpadala ng bulaklak sina Pangulong Benigno Aquino III, Manny Pangilinan, mga senador at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Read more...