2 ‘batang warriors’ ng NPA sa Bukidnon, sumuko

Hindi na kinaya ng dalawang menor-de-edad ang hirap sa pakikipaglaban para sa New People’s Army (NPA) kaya’t naisipan nilang magbalik-loob na sa pamahalaan.

Sumuko sina alias Jade, 18-anyos at Toto, 17-anyos, sa Community Support Team ng Army 88th Infantry Battalion sa Barangay Lipa, bayan ng Quezon.

Tumagal ng limang buwan ang paghihirap ng dalawa sa NPA bago ang kanilang pagsuko.

Ayon kay Lt. Col. Franklin Fabic, commander ng 88th IB, hirap na ang NPA na kumilos dahil wala na halos silang nakukuhang suporta mula sa masa.

Aniya ikinuwento pa nina Jade at Toto na nagugutom na rin at natatakot ang mga rebelde dahil sa mga operasyon ng military laban sa kanila.

Pagdidiin pa ng dalawa niloko lang sila ng mga rebelde at naabuso kaya’t ayon kay Fabic malinaw na paglabag sa International Humanitarian Law ang ginawa ng rebeldeng grupo dahil ginamit nila ang dalawang menor de edad.

Read more...