DOLE maghihigpit sa Occupational Health and Labor Standards
Inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Occupational Safety and Health Center na pagtibayin ang pagpapatupad ng occupational health and safety standards sa lahat ng opisina, pagawaan at pabrika sa buong bansa.
Kasabay nito, mahigpit din niyang pinamo-monitor ang pagpapatupad ng mga polisiya para matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga kawani habang sila ay nagtatrabaho.
Inatasan din nito ang lahat ng OSH Networks na maglagay ng mga tanggapan na rehistrado sa Securities and Exchange Commission at Bureau of Internal Revenue.
Para mapagtibay pa ang mga programa, inatasan nito ang OSHNets na kumuha ng mga occupational health and safety professionals and experts, gayundin mula sa mga professional groups, grupo ng mga safety officers at kinatawan mula sa mga organisasyon ng mga manggagawa sa ibat ibat sektor ng paggawa.
Nagpalabas ng Administrative Order 313 Series of 2019 si Bello noong July 30 para sa mga naturang direktiba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.