LPA sa Catanduanes, maaaring maging ganap na bagyo ayon sa PAGASA
Isang low pressure area ang binabantayan ngayon ng Pagasa sa lalawigan ng Virac, Catanduanes dahil sa posibilidad nitong mamuo bilang isang ganap na bagyo.
Ayon sa weather bureau, huling namataan ang LPA sa layong 875km sa silangang bahagi ng Virac, Catanduanes bandang alas-10 ng umaga ngayong Sabado, August 2, 2019.
Sinasabing mas palalakasin pa ng hanging Habagat na nakakaapekto sa ilang bahagi ng Visayas, Bicol region at ilang lugar sa Mindanao ang LPA.
Papangalanan namang “Hanna” ang LPA kung sakaling tuluyang maging isang ganap na bagyo.
Samantala, makakaranas ng maulap na papawirin at kalat kalat na mga pag ulan at kidlat ang iba pang bahagi ng Luzon at ng Visayas.
Samantala, pinayuhan naman ang lahat at ang mga kinauukalan na mag ingat at mag monitor sa mga update sa kanila kanilang mga tahanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.