Ilang lugar sa Cavite, lubog sa baha

By Clarize Austria August 03, 2019 - 12:15 PM

Nalubog sa tubig baha ang ilang kalsada sa probinsya ng Cavite simula kaninang umaga.

Ayon sa ulat na inilabas ng Cavite Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), nasa lima hanggang pitong pulgada na ang tubig baha partikular sa bahagi ng Dominic at Niog Street sa Bacoor.

Umabot na sa tuhod ang baha sa Medicion 2F, Pagasa 3, at Anabu 1B kung saan malalaking sasakyan na lamang ang nakadaraan.

Gutter-deep hanggang tuhod naman ang baha sa bahagi ng Binakayan at Centennial Road sa may Bacao.

Binabantayan na ng mga awtoridad ang lebel ng tubig sa mga ilog at wala pang naitalang masamang insidente.

Patuloy namang nakararanas ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan na may malakas na hangin sa lalawigan ng Cavite.

TAGS: Cavite Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), Centennial Road, gutter deep, tubig baha, Cavite Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), Centennial Road, gutter deep, tubig baha

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.