Ilang kalye sa Metro Manila binaha dahil sa Habagat

Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Ilang kalye sa Metro Manila at mga kalapit na lugar ang lubog sa tubig baha dahil sa tuloy-tuloy na malakas na pag ulan na dala ng hanging habagat mula pa kahapon.

Ayon sa datos ng Manila Public Information Office, nagsimula ang pagbaha sa iba’t ibang lugar kaninang alas-9:45 ng umaga ngayong araw, August 3, 2019.

Ayon pa sa ahensya, naitala ang mga pagbaha sa mga sumusunod na lugar.

– Taft Avenue cor. Pedro Gil
– Taft Avenue cor. United Nations
– Quirino Avenue cor. Leveriza
– Quirino Avenue cor. Pedro Gil
– Quirino Avenue cor. Anak Bayan
– Fugoso Street
– Bambang Street
– Espana Avenue cor. Vicente Cruz Street
– Pablo Ocampo cor. Arellano
– Altura Street, kaharap ng Altura market
– Concha Street

Bukod dito lubog din ang ilang bahagi ng Malate sa: -F. Agoncillio Street -Singalong Street -San Andres Street sa harap ng simbahan ng San Antonio De Padua na pinasok na rin ng baha. Samantala, sa kabila naman ng malakas na buhos ng ulan at mga pagbaha, nagpatuloy padin sa pagsasagawa ng declogging operations ang lokal na pamahalaan sa lungsod ng Maynila sa Finance Road corner Taft Avenue at Quirino Avenue corner Mataas na lupa sa District 5.

Sinuspinde nadin ang mga klase sa ilang mga lugar dulot ng masamang lagay ng panahon.

Samantala, binabantayan naman ng PAGASA ang isang low pressure area sa labas ng Virac, Catanduanes na inaasahang magiging isang tropical depression na palalakasin pa ang hanging habagat na kasalukuyang nakaaapekto sa Visayas, Bicol region at ilan pang bahagi ng Mindanao.

Read more...