Ilang kalye sa Metro Manila binaha dahil sa Habagat
Ilang kalye sa Metro Manila at mga kalapit na lugar ang lubog sa tubig baha dahil sa tuloy-tuloy na malakas na pag ulan na dala ng hanging habagat mula pa kahapon.
Ayon sa datos ng Manila Public Information Office, nagsimula ang pagbaha sa iba’t ibang lugar kaninang alas-9:45 ng umaga ngayong araw, August 3, 2019.
Ayon pa sa ahensya, naitala ang mga pagbaha sa mga sumusunod na lugar.
– Taft Avenue cor. Pedro Gil
– Taft Avenue cor. United Nations
– Quirino Avenue cor. Leveriza
– Quirino Avenue cor. Pedro Gil
– Quirino Avenue cor. Anak Bayan
– Fugoso Street
– Bambang Street
– Espana Avenue cor. Vicente Cruz Street
– Pablo Ocampo cor. Arellano
– Altura Street, kaharap ng Altura market
– Concha Street
Sinuspinde nadin ang mga klase sa ilang mga lugar dulot ng masamang lagay ng panahon.
Samantala, binabantayan naman ng PAGASA ang isang low pressure area sa labas ng Virac, Catanduanes na inaasahang magiging isang tropical depression na palalakasin pa ang hanging habagat na kasalukuyang nakaaapekto sa Visayas, Bicol region at ilan pang bahagi ng Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.