Panamanian cargo vessel sumadsad sa Cebu

PCG photo

Sumadsad ang isang panamanian flagged cargo vessel sa karagatan na sakop ng Pilipinas ngayong araw, August 3.

Ayon sa paunang ulat na inilabas ng Philippine Coast Guard o PCG, nangyari ang insidente sa karagatan malapit sa Lauis Ledge Light house kaninang umaga.

Ang barkong MV Arikun ay may dalang 4,210 tons ng trigo at may sakay na labingwalong tauhan na hindi pa natutukoy ang mga nasyonalidad.

Kaagad namang rumesponde ang PCG sa pinangyarihan ng insidente at walang naitalang nasugatan o oil spill.

Nakatakdang dumaong ang nasabing barko sa Cebu International Port at papasok sa Traffic Separation Scheme, South Cebu-Mactan channel.

Iniimbistigahan na mga otoridad ang insidente at kung ano ang dahilan ng pagsadsad ng cargo vessel.

Read more...