LTFRB hindi isusuko ang provincial bus ban

By Jimmy Tamayo August 03, 2019 - 11:50 AM

Inquirer photo

Idudulog ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang naging desisyon ng Quezon City Regional Trial Branch 223 na nagpapatigil sa provincial bus ban sa kahabaan ng EDSA.

Pinagbigyan ng korte ang hirit ng mga bus operators laban sa pagbabawal sa mga provincial bus na pumasok sa EDSA.

Wala umanong basehan ang alegasyon ng LTFRB na ang mga provincial buses ang nagiging sanhi ng pagsisikip sa daloy ng trapiko sa EDSA.

Pero ayon sa LTFRB bagamat handa silang sumunod sa desisyon ng korte ay hihingin nila ang tulong ang OSG para irekonsidera ang nasabing desisyon.

Ang provincial bus ban ay nakatakda sanang ipatupad simula sa August 7.

TAGS: ltfrb, mmda, OSG, provincial bus bun, QC RTC, tro, ltfrb, mmda, OSG, provincial bus bun, QC RTC, tro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.