Black New Year sa mga consumers ng North Cotabato ayon sa NGCP

By Mariel Cruz December 27, 2015 - 02:25 PM

 

Inquirer file photo

Posibleng makaranas ng ‘black’ New Year ang mga power consumer sa North Cotabato at sa ilan pang bahagi ng Mindanao dahil sa mababang power-supply allocation bunsod ng mga pag-atake sa transmission towers ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Noong bisperas ng Pasko, pinasabog ng mga masasamang loob ang dalawang tower ng NGCP sa Lanao del Sur at North Cotabato.

Ayon kay Engineer Godofredo Homez, ang general manager ng Cotabato Electric Cooperative (Cotelco), nakatanggap siya ng advisory mula sa NGCP na nagsasabing muling nakararanas ng load deficiency ng aabot sa 75 megawatts ang kanilang grid.

Nananatiling isolated ang dalawang hydroelectric power plants na Agus 1 at Agus 2 na matatagpuan sa Lanao Del Sur dahil sa power outage sa Agus-Kibawe lines 1 at 2.

Pinayuhan aniya sila ng NGCP na obserbahan ang kanilang adjusted allocation.

Sa ulat ng NGCP Mindanao, noong bisperas ng Pasko, pinasabog ang tower 25 sa Barangay Gandamatu sa Ramain, Lanao Del Sur at tower 95 naman sa Barangay Aroman sa Carmen, North Cotabato.

Nabatid na ito na ang pang labing apat at labing limang tower na inatake ngayong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub