Habagat patuloy na nakakaapekto sa kanlurang bahagi ng Luzon

By Rhommel Balasbas August 03, 2019 - 05:53 AM

Patuloy na nagpapaulan ang southwest monsoon o Habagat sa Kanlurang bahagi ng Luzon.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, hinahatak pa rin ng humihinang Tropical Storm ‘Wipha’ ang Habagat na nagdadala ng mga pag-ulan.

Ngayong araw, makararanas pa rin ng monsoon rains ang Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Zambales, Bataan, Pampanga, Metro Manila, CALABARZON at MIMAROPA.

Samantala, binabantayan ng weather bureau ang isang low pressure area (LPA) na inaasahang magiging bagyo bukas, araw ng Linggo o sa Lunes, August 5.

Huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,135 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes.

Sakaling maging bagyo na ay tatawagin itong Hanna at hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan.

Sa ngayon, nakakaapekto ang trough o extension ng LPA sa Bicol Region, buong Visayas, Caraga Region at Northern Mindanao na magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng bansa na makararanas lamang ng mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Dahil naman sa epekto ng Habagat nakataas ang gale warning at bawal pumalaot sa mga baybaying dagat ng:

  • La Union
  • Pangasinan
  • Zambales
  • Bataan
  • Occidental Mindoro
  • at Northern Palawan

TAGS: habagat, low pressure area (LPA), Pagasa, southwest monsoon, habagat, low pressure area (LPA), Pagasa, southwest monsoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.